Mga oras na walang magawa

11:31 na ng gabi pero hindi ko pa rin maipikit ang aking mga mata. Nagnanais pa rin na silayan ang mga informasyon sa net. Naghahanap pa rin ng pagkakaabalahan. Pang limang araw na ng aking vacation leave sa trabaho, walang ginagawa kundi abalahin ang sarili sa harap ng laptop.

Patuloy pa ring sumasagi sa aking isip kung ano nga ba ang mangyayari sa aking kinabukasan ngayong isa na akong pamilyadong tayo. Nagtatrabaho sa malayong ibayo para lang mabigyan sila ng kaginhawahan kapalit ng aking kalungkutan mapalayo sa kanila. Ang aking minamahal at walang kamuwang muwang na na anak na walong buwan palang ay lumalaking hindi kasama ang kanyang ama.

Ang tanging aking magagawa sa kasalukuyan ay ang araw araw na pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng ating teknolohiya. Wala oras na hindi ko sila maalala, ang tanging habilin ko lang sa aking minamahal na asawa ang palaging pagpapadama ng pag ibig sa aming anak. Nawa’y maramdaman nya lagi na mahal na mahal sya namin, ang tanging kayamanan.

.. hindi ko pa ring maiwasang malungkot na napalayo ako sa aking pamilya.

Advertisements

Post your Ideas/Comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s